Inilunsad ang DepEd TV ng Department of Education bilang tugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang edukasyon
sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Bahagi ito ng ipapatupad ng DepEd na iba't ibang learning modality para sa school year 2020-2021.
Ipapalabas
sa DepEd TV ang 130 episodes para sa iba't ibang asignatura mula Kinder
hanggang Grade 12 kabilang ang ALS o Alternative Education System.
Isa
ang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTB sa mga asignatura
na kabilang sa MELC o Most Essential Learning Competencies na itinakda
ng DepEd para sa school year na ito.
Sa episode na ito,
tatalakayin ang paksang "Pagbibigay ng Komento o Reaksiyon" na nakapaloob sa module ng Mother Tongue-Based Multilingual
Education (MTB) Grade 2.
(1st aired on October 5, 2020)