Sa episode na ito ng DepEd TV, tatalakayin ang paksang "Ako Ngayon" na nakapaloob sa module ng Grade 7 Edukasyon sa Pagpapakatao.
Layunin ng episode na ito na matukoy ng mga mag-aaral ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:
- Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipagugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkaibigan)
- Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
- Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito
- Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/sa lipunan
- Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
- Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata
- Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Sa partikular, laman ng episode na ito ang talakayan sa pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin na ito na naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
I-download at panoorin ang video na ito mula sa DepEd TV upang higit na maunawaan ang paksang para sa Grade 6 ESP.
Link 1: Click to Download Here